Miyerkules, Agosto 22, 2012

Take and Receive

Take and receive, O Lord, my liberty
Take all my will, my mind, my memory
All things I hold and all I own are thine
Thine was the gift to thee I all resign

To thou direct and govern all and sway
Do what Thou wilt, command, and I obey
Only Thy grace Thy love on me bestow
These make me rich, all else will I forego

Paghahandog

Ang himig ko, ang awit ko,
Lahat ng itoy'y nagmula sa Iyo
Muling ihahandog sa'Yo
Buong puso kong inaalay sa'Yo

Chorus:
O D'yos, O Panginoon
Lahat ay biyayang aming inampon
Aming buhay at kakayahan
Ito'y para lamang sa'Yong kal'walhatian

Ang tanging ninanais ko
Ay matamo lamang ang pag-ibig Mo
Lahat ay iiwanan ko
Wala nang kailangan, sapat na ito

(Chorus)

Miyerkules, Agosto 15, 2012

Paghahandog ng Sarili

Kunin mo, O Diyos, at tanggapin Mo
Ang aking kalayaan, ang aking kalooban
Isip at gunita ko, lahat ng hawak ko ng loob ko,
ay aking alay sa'Yo

Nagmula sa Iyo ang lahat ang ito
Muli kong handog sa'Yo
Patnubayan mo't paghariang lahat
Ayon sa kalooban Mo, mag-utos Ka
Panginoong Diyos

 Dagling tatalima ako
Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo
Ang lahat ay tatalikdan ko
Tatalikdan ko..

Biyernes, Agosto 10, 2012

Huwag Limutin

Huwag limutin nakaraang araw
Sariwain kahit balik tanaw
Takipsilim di man mapigilan
Sandali lang ang dilim

'Yong bilangin ang bawat sandaling
Kagalaka'y wari'y walang patid
Magkasama tayo sa pagsapit
Ng 'sang langit sa daigdig

(Chorus)
Minamahal kitang tunay
Ang himig ko sayo'y bubuhay
Sambitin mo ang aking himig
At ako sa iyo'y aawit

Alaala ng pagkakaibigan
Sa puso itago't ingatan
Sa pagsilay ng bukas tingnan
Alaala't puso'y iisa

(Repeat Chorus)

Coda:
At ako sa iyo'y aawit

Awit ng Pagpapanibago

Halina O Diyos naming mahal
Halina at kami'y baguhin
Dinggin Mo ang panalangin
Ng bayan Mong dumaraing

Kami ngayon at tunghayan
Nanghihina at sugatan
Nagkukulang sa pag-ibig
at biyayang minamahal

(Chorus)
Halina aming Ama, isugo mo ang Espiritu
Nang kami ay matulad sa 'Yong Anak na si Hesus
Halina aming Ama, isugo mo ang Espiritu
Nang kami ay matulad sa 'Yong Anak na si Hesus

Pagkatao namin ay baguhin
Puso namin ay pag-alabin
Nang ang mundo ay magbago
Buhay nami'y alay sa'yo

(Repeat Chorus)

Manalig Ka

Iluom lahat ng takot sa iyong damdamin
Ang pangalan Nya lagi ang tawagin
At S'ya'y nakikinig sa bawat hinaing

Magmasid at mamulat sa Kanyang kapangyarihan
Nabatid mo ba na S'ya'y naglalaan
At patuloy na naghahatid ng tunay na kalayaan

Chorus I:
Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata
Hindi S'ya panaginip, hindi S'ya isang pangarap
S'ya'y buhay, manalig ka

At ngayo'y tila walang mararating na bukas
Ngunit kung S'ya'y hahayaang maglandas
Pag-asa ay muling mabibigkas

(Chorus I)

Chorus II:
Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata
Hindi S'ya natutulog, hindi S'ya nakakalimot
Kay Hesus, manalig ka



Hesus

Kung nag-iisa at nalulumbay
Dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng karamay
Tumawag ka at siya'y naghihintay

S'ya ang iyong kailangan,
Sandigan, Kaibigan mo
S'ya ang araw mong lagi
At Karamay kung sawi
S'ya ay si Hesus sa bawat sandali

Kung ang buhay mo ay walang sigla
Laging takot at laging alala
Tanging kay Hesus makakaasa
Kaligtasan, lubos na ligaya

S'ya ang dapat tanggapin
At kilanlin sa buhay mo
S'ya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
S'ya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya't ang lagi mong pakakatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay
Pag-ibig na tunay


S'ya ang dapat tanggapin
At kilanlin sa buhay mo
S'ya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
S'ya ay si Hesus, S'ya ay si Hesus
S'ya ay si Hesus sa habang panahon..

Sabado, Agosto 4, 2012

O Hesus, Hilumin Mo

Chorus:
O Hesus, Hilumin Mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasimbigo

Hapis at pait, Iyong patamisin
At hagkan ang sakit nang magningas ang rikit

( Repeat Chorus)

Aking sugatang diwa't katawan
Ay gawing daan ng 'Yong kaligtasan

(Repeat Chorus)



Panalanging Maging Bukas Palad

Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad
Turuan mo akong maglingkod sa iyo
At magbigay ng ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa iyo
Na makibakang di inaalintana
Mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap
Ng kapalit na kaginhawahan
Na di naghihintay kundi ang aking mabatid
Na ang loob mo'y siyang sinusundan

Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad
Turuan mo akong maglingkod sa iyo
At magbigay ng ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa iyo