Biyernes, Nobyembre 2, 2012

Nasa Tabi Ko ang Panginoon

Chorus:
Alam kong nasa tabi Kita,
Panginoon ko sa lahat ng oras
Kamay Mo ang s'yang nag-iingat sa'kin
Di ko maabot karunungan Mong angkin

Siniyasat Mo ako at alam ang aking puso
Walang maililihim sa'Yo sa'king gawa
'Di ko pa binabanggit, Iyo na itong batid
Sa malayo man isip ko'y 'di lingid

(Chorus)

Saan ako paroroon upang matakasan Ka?
Akyatin ko man ang langit alam kong nar'on Ka
Ako ma'y amakalipad, sa dulong dagat mapadpad
Daratnan ko rin ang pag-ibig Mong wagas

(Chorus)

Pagsibol

Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan
Wangis Mo'y aking natatanaw
Pagdampi ng umaga sa nanalamig kong kalamnan
Init Mo'y pangarap kong hagkan

Chorus:
Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay
Puso'y dalisay kailanpaman
Ipahintulot Mong ako'y mapahandusay
Sa sumasaimbayong kaginhawahan

Nangungulilang malay binulungan ng tinig Mong
Nagdulot ng katiwasayan
Paghahanap katwiran nilusaw Mo sa simbuyong
Karilagan ng pagmamahal

(Chorus)

Coda:
Dalangin pa sana'y mapagtanto kong tumay
Kaganapan ng buhay ko'y Ikaw lamang

Awit ng Isang Alagad

Panginoon ko, ang buhay Mong bigay
Ay minsan lang nagdaraan sa akin
Kaya bilang isang  pag-aalay
Ang buhay ko'y ihahandog sa'Yo

Chorus:
Katulad ko, marami ang tinawag Mo
Upang humayo't maglingkod sa Ngalan Mo
Tanging hiling at laging nang dasal
Maging mapalad sanang tanggapin

Turuan Mong maging bukas-palad
At matutong mabuhay ng banal
Kaya't bilang isang pag-aalay
Ang buhay ko'y ihahandog sa'Yo

(Chorus)

Verse:
Tanging pangarap ko, sana'y bigyang daan
Sa landas ko'y hawiin ang buhawi ng gulo
Ang ulap na nagsisilbing dilim sa langit ko
Tunawin at gawing ulan, laan sa buhay kong tigang
Mula sa pagkakasala, ako'y muling ibangon Mo
At umasa Kang maglilingkod sa'Yo

(Verse)

At umasa Ka, at umasa Ka, at umasa Kang maglilingkod sa'Yo