Sabado, Disyembre 15, 2012

Awit ng Paghahangad

O D'yos, Ikaw ang laging hanap
Loob ko'y Ikaw ang laging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga

Minamasdan Kita sa dakong banal
Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring inaalay

Chorus:
Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tw'ina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak

Aking kaluluwa'y kumakapit sa'Yo
Kaligtasa'y t'yak kung hawak Mo ako
Magdiriwang ang hari, ang D'yos s'yang dahilan
Ang sa Iyo ay nangako galak yaong makakamtan

(Chorus)

Coda:
Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak